Pumanaw na ang drummer ng legendary band na Rolling Stones na si Charlie Watts sa edad 80.
Kinumpirma nito ng kaniyang publicist kung saan nalagutan ito ng hininga sa bahay nito sa London.
HIndi naman na binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng drummer.
Noong nakaraang mga linggo kasi ay nagpasya na ito na hindi sumama sa US tour ng banda.
Itinuturing siya na pinakamagaling na drummer sa kaniyang panahon kung saan nakilalala ito sa kanta ng banda na “Paint it, Black”, ” Gimme Shelter” at ‘Brown Sugar”.
Isinilang noong Hunyo 2, 1941 sa London at sa edad na 14 ay nahilig nia itong mag-drum.
Hinati niya ang oras niya sa pagtugtog at ang trabaho bilang ad agency graphic designer.
Hindi kauna-unahang drummer ng banda si Watts dahil unang kinuha si Kink Mick Avory.
Binubuo ang banda nina MIck Jagger bilang lead vocals, Ian Stewart bilang pianist, Dick Taylor sa bass at mga gitarista na sina Keith Richards at Brian Jones.