-- Advertisements --
Inamin ni Rolling Stones guitarist Keith Richards na naapektuhan ng kaniyang sakit na arthritis ang pagtugtog nito ng gitara.
Sinabi nito na sa ilang libong gitara ang pag-aari nito ay nakakaramdam na rin siya ng pagkahina.
Ibinahagi niya na sa paglabas ng bagong album nila ng “Hackney Diamonds” ay nahirapan na ito sa pagtugtog ng ilang mga kanta.
Nakakaramdam na rin to ng pamamaga ng kamay dahil sa nasabing sakit.
Aminado na ito na bumagal na siya sa pagtugtog ng gitara lalo na at malapit na ito ng maging 80 ang edad.
Ang album nilang “Hackney Diamonds” ang siyang unang album na ilalabas ng grupo sa loob ng 18 taon.
Noong nakaraang taon ay isinagawa nila ang kanilang ika-60 taon na concert sa iba’t-ibang bahagi ng US.