-- Advertisements --

Ibinahagi ni rock legend Ronnie Wood ang good news na gumaling na siya sa pangalawang beses mula sa cancer.

Ronnie Wood

Sinabi ng 73-anyos na Rolling Stones guitarist, na unang na-diagnose ng small-cell carcinoma na isang uri ng cancer na nakakaapekto sa baga noong kasagsagan ng coronavirus lockdown.

Naging malaking tulong nito sa paggaling ang pagpinta sa asawa na si Sally Humphreys at apat na taong gulang na anak na kambal na babae na sina Gracie at Alice.

Taong 2017 noong madiskubre ang cancer nito nang sumailalim sa routine checkup kung saan nakuha raw nito ang sakit sa paninigarilyo sa loob ng 50 taon.

Hindi siya pumayag na magpa-chemotherapy dahil ayaw niyang mawalan ng buhok kaya sumailalim ito sa operasyon at tinanggal ang bahagi sa baga nito noong 2018 bago nito kumpirmahin na siya ay cancer-free na.