LONDON – Ipinagpaliban umano ng bandang Rolling Stones ang kanilang tour sa Estados Unidos at sa Canada upang bigyang-oras ang singer na si Mick Jagger na makatanggap ng medical treatment.
“I’m devastated for having to postpone the tour but I will be working very hard to be back on stage as soon as I can,” wika ni Jagger sa Twitter.
“I’m so sorry to all our fans in America and Canada with tickets. I really hate letting you down like this.”
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Jagger tungkol sa nasabing development.
Agad namang nag-reply sa kanyang post ang mga fans, na hiling ang paggaling ng 75-year-old rock star.
Sa pahayag naman ng publicist ng banda, inaasahang magkakaroon ng full recovery ang rock icon.
“The doctors have advised Mick that he is expected to make a complete recovery so that he can get back on stage as soon as possible,” pahayag ng publicist.
Naka-schedule sana ang North American tour ng banda mula Abril 20 hanggang Hunyo 29.
Ilan sa mga awiting pinasikat ng banda sa kanilang 50-year career ay ang “Satisfaction,” at “Brown Sugar.” (Reuters)