-- Advertisements --
Binalaan ng bandang Rolling Stones na sasampahan nila ng kaso si US President Donald Trump kapag ginamit nito ang kanilang kanta sa mga campaign rallies.
Ayon sa legal team ng banda, nakipag-ugnayan na sila sa performing rights organization na BMI para matigil ang iligal na paggamit ng kanilang kanta.
Inalmahan kasi ng banda ang paggamit ni Trump ng kanilang kantang “You Can’t Always Get What You Want” noong campaign rally niya sa Tulsa, Oklahoma.
Ito rin ang kantang ginamit ni Trump noong 2016 election.
Paglilinaw ng banda na hindi nila sinusuportahan si Trump.
Sinulatan na rin ng BMI ang kampo ng US President sa nasabing paggamit ng nasabing kanta.