-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip sa isinagawang anti illegal drug buybust operation ang isang rolling vendor na kabilang sa High Value Target ng PDEA sa Patul, Santiago City.

Ang suspect ay si Jay-Ar Baniqued, 36 anyos, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Sa pagtutulungan ng mga kasapi ng City Drug Enforcement Unit, Regional Drug Enforcement Unit, SCPO Station 2 at ng PDEA Regional Office 2 ay nadakip ang pinaghihinalaan.

Nakipagtransaksyon umano si Baniqued sa isang PDEA Agent na bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na P2,000.

Nasamsam pa sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ang tatlo pang sachet ng hinihinalang Shabu matapos kapkapan

Bukod sa pagiging high value target ng PDEA kabilang din sa high value individual priority list ng Police Regional Office 2 ang suspect na sumailalim sa plea bargaining.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa pinaghihinalaan na kasalukuyan nang nakapiit sa SCPO Custodial Facility.