Target na masimulan ang rollout ng ikalawang booster dose para sa mga senior citizen, immunocompromised at health workers sa lalong madaling panahon.
Sa inilabas na statement ng Department of Health (DOH) kasalukuyang binabalangkas ng National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) ang guidelines para sa pagtuturok ng seconder booster dose.
Patuloy aniya ang pagtratrabaho ng NVOC ngayong holiday break katuwang ang regional at local Vaccination Operations Center at local government units para mabusising mabuti ang pagbalangaks ng guidelines para sa second booster.
Ang mga gagamitin na brands ng bakuna bilang ikalawang booster dose ay base sa karagdagang emergency use authorization at konsiderasyon sa operational realities gaya ng cold chain logistics at iba pa.
Nitong Miyerkules, Abril 13, inaprubahan na ng FDA ang EUA para sa ikalawang booster dose para sa partikular na vulnerable groups.
Batay sa EUA, ituturok ang second boster dose makalipas ang apat na buwan mula ng mabakunahan ng unang booster dose habang maaari namang ibigay ng mas maag ang ikalawang booster dose sa mga moderately at severely immunocompromised individuals depende sa advice ng kanilang attending physician.