Umakyat na sa kategoryang “Super Typhoon” ang bagyong Rolly, ayon sa PAGASA.
At 2:00 AM today, Typhoon #RollyPH intensified into a Super Typhoon. TCWS #5 will be raised over Catanduanes, Eastern Camarines Sur, and Albay. Catastrophic wind damage is expected. pic.twitter.com/pj2uwT5hZe
— PAGASA-DOST (@dost_pagasa) October 31, 2020
Sa isang online post, sinabi ng state-weather bureau na lumakas pa ang sama ng panahon habang papalapit ang pag-landfall nito sa Catanduanes.
“At 2:00 AM today, Typhoon #RollyPH intensified into a Super Typhoon.”
Dahil dito, iaakyat na rin ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5, ang pinakamataas na warning signal, sa Catanduanes, silangan ng Camarines Sur, at Albay.
Asahan daw ang mapaminsalang hangin na dulot ng bagyo, ayon sa ahensya.
“Catastrophic wind damage is expected.”