-- Advertisements --

Nahaharap ngayon sa kontrobersya si Romanian Prime Minister Ludovic Orban dahil sa umano’y paglabag nito sa coronavirus restrictions na ipinapatupad ng kanyang pamahalaan.

Kumalat kasi ang larawan ni Orban na naninigarilyo at nag-iinom ng alak sa loob ng kanyang tanggapan kasama ang apat na miyembro ng Gabinete.

Sa nasabing larawan, wala umano sa kanila ang nakasuot ng face masks, o nagsagawa man lang ng physical distancing.

Ayon kay Eugen Teodorovici, senador ng Social Democratic Party, nakakahiya raw ang ginawang ito nina Orban.

“This is happening inside the PM’s office. This is what liberals do while governing. Shame on you”, saad sa kanyang Facebook post.

Paliwanag naman ni Orban, kinuha raw ang larawan noong Mayo 25, na kanya ring ika-57 taong kaarawan.

“Some colleagues came by to surprise me. I gave them something to eat, a glass of wine, whisky. We weren’t wearing masks because we just finished eating”, katwiran ni Orban.

Handa naman daw magbayad ng multa si Orban dahil sa paninigarilyo sa loob ng opisina, na ipinagbawal na sa Romania noon pang 2016.

“I’m a smoker, I made a human error and I admit it”, ani Orban. (AFP)