-- Advertisements --
Umatras na sa pagsali sa US Open dahil sa pagamba sa coronavirus si world number tennis star Simona Halep.
Ayon sa kasalukuyang Wimbledon champion, tinimbang niya ang sitwasyon ng mga nagaganap na coronavirus sa bansa at nagdesisyon itong hindi na sasabak pa.
Naging prioridad nito sa pag-atras ay ang kaniyang kalusugan.
Umaasa naman ang Romanian tennis star na magiging matagumpay ang gaganapin tennis Open na magsisimula sa Agosto 31 hanggang Setyembre 13 sa New York.