-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa Wimbledon si defending champion Simona Halep dahil sa calf injury.

Ang nabanggit na injury ay kaniyang natamo noong nakaraang buwan sa Franch Open.

Sinabi ng 29-anyos na Romanian tennis star na nalungkot siya sa nasabing desisyon at nirerespeto niya ang desisyon ng kaniyang doctor na huwag munang maglaro.

Dagdag pa nito na ginawa niya ang lahat ng makakaya subalit hindi pa rin ito sapat.

Magugunitang hawak pa rin niya ang titulo matapos na makansela ang torneo noong nakaraang taon dahil sa COVID-19.