Nanindigan si Philippine Olympic Committee (POC) first vice president Joey Romasanta na hindi balido ang pagkakatanggal sa kanya at sa iba pang miyembro ng Executive Committee.
Kabilang si Romasanta sa mga nawalan ng puwesto na kung saan tinanggal ito ni POC president Ricky Vargas bilang chef-de-mission ng 2020 Tokyo Olympics.
Iginiit ni Romasanta sa panayam ng Bombo Radyo Philippines na ang pagsibak sa kanila sa kanilang mga puwesto ay personal lamang na pasya ni Vargas at hindi ng lupon.
Umalma rin si Romasanta sa anunsyo ni Vargas na magkakaroon ng eleksyon sa Enero ng susunod na taon.
Paliwanag ng opisyal, kailangang magkaroon ng halalan sa lalong madaling panahon upang mabatid kung talaga bang hawak ni Vargas ang suporta ng general assembly.
“To determine whether he indeed has the support of the members of the general assembly, to save the 30th SEA Games and the POC as an institution, we are calling for the general elections to be held at the soonest possible time and we will agree to declare all positions vacant if it happens,†ani Romasanta.
Bukod kay Romasanta, binawi rin ni Vargas ang mga appointments nina 2019 Southeast Asian (SEA) Games chef-de-mission Monsour del Rosario, at ng kanyang deputy na si Atty. Charlie Ho.
Maging sina 2nd Vice President Jeff Tamayo at Treasurer Julian Tamayo ay inalis na rin sa kanilang mga puwesto.