-- Advertisements --

Nananatiling pinakamayamang kongresista ang port tycoon at 1-Pacman party-list Rep. Michael Romero sa 17th Congres.

Si Romero ay may P7.858 billion declared net worth batay sa summary ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALNs) ng 291 lawmakers hanggang noong December 2018.

Noong 2017, si Romero, anak ng construction magnate na si Reghis Romero II, ay may P7.291 billion naideklarang net worth.

Pumapangalawa sa pinakamayamang kongresista ay si outgoing Negros Occidental 3rd District Rep. Alfredo Benitez, na isa ring negosyante, na may P1.017 billion net worth.

Pangatlo sa listahan ay si Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos na may declared net worth na P923.8 million.

Pasok sa Top 10 richest congressmen ay sina Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Floirendo Jr. (P714.6 million), Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto (P555.3 million), Leyte 1st District Rep. Yedda Romualdez (P487.6 million), at House Speaker at Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (P479.5 million).

Nabatid na tumaas ang net worth ni Arroyo ng 14.7 million mula sa kanyang 2017 net worth na P464.8 million.

Si Majority Leader at Capiz 2nd District Rep. Fredenil Castro ay may naideklarang net worth na aabot sa P39.9 million, habang si Minority Leader at Quezon 3rd District Rep. Danilo Suarez ay mayroon namang P214.8 million.

Sa kabilang dako, ang mga kongresista na pasok naman sa bottom 10 na may pinakamababang net worth ay kinabibilangan ng anim na miyembro ng oposisyon at independent Makabayan bloc:

  • Gabriela Rep. Emmi de Jesus – P1,895,000
  • Bayan Muna Rep. Carlos Zarate – P1,710,048
  • Coop-Natcco Rep. Sabiniano Canama – P1,515,634
  • Anakpawis Rep. Ariel Casilao – P913,351
  • ACT Teachers Rep. France Castro – P912,809
  • Diwa Rep. Pepito Pico – P680,000
  • Gabriela Rep. Arlene Brosas – P518,660
  • Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. – P515,659
  • Kabayan Rep. Paul Hernandez – P340,000
  • Kabataan Rep. Sarah Elago – P85,400