-- Advertisements --
Napanatili ng bagyong Romina ang kaniyang lakas habang nasa karagatang bahagi ng Kalayaan Island sa Palawan.
Ayon sa PAGASA, nakita ang sentro nito sa may 40 kilometers ng North-Northwest ng La Carlota City, Negros Occidental.
Mayroong taglay ito na lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso ng nasa 70 kph.
Nakataas na ang signal number 1 sa Kalayaan Islands sa Palawan.
Makakaranas na malalakas na pag-alon sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Kalayaan Islands.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na iwasan ang anumang paglayag sa nabanggit ng mga lugar.
Maaring lumakas pa ang bagyo sa mga susunod na oras habang ito ay tuluyang hihina sa gabi ng Lunes.