-- Advertisements --

Umaasa pa ang aktor na si Rommel Padilla na magkakabalikan ang anak nitong si Daniel Padilla at ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo. 

Ayon kay Rommel, nagbuhos na ng maraming oras ang dalawa para mag-work ang kanilang relasyon kaya naman naniniwala ito na magagawa pang muli ng dating loveteam na ayusin ang kanilang relasyon. 

Sa isang panayam, sinabi ni Rommel na ipinagdarasal niyang dumating ang panahon na muling magkita ang dalawa at magkaunawaan dahil malaking panahon na aniya ang inilaan ng ito sa kanilang pagmamahalan. 

Nagbigay rin ito ng payo na habang single sina Kathryn at Daniel ay timbangin umano nila ang kanilang pagmamahalan. Ito rin aniya ang panahon para malaman nila kung dapat pa ba silang magbalikan. 

Noong Nobyembre 2023 nga ay kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan sa magkahiwalay na online post.

Sa ngayon ay binibigyang kulay ng mga netizens ang ilang beses na pagsasama nina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa mga okasyon. 

NGunit para kay Alden, gusto niyang panatilihing personal kung ano man ang mayroon sa kanila ni Kathryn at sinabi rin nito sa isang panayam na “what you see is what you get.”