-- Advertisements --

Hindi tinatanggal ni House Majority Leader Martin Romualdez ang posibilidad na makasama niya sa pagtakbo sa 2022 election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi nito na bukas siya at ang kaniyang partido na makasama sa pagtakbo ang presidential daughter bilang pangulo ng bansa sa 2022.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa silang pinal na desisyon at lahat aniya ng mga kandidato ay kanilang kinokonsidera.

Ang partido kasi ni Romualdez na Lakas-Christian Musilim Democrats (CMD) ay kaalyado ang partido ng alkalde ng Davao na Hugpong ng Pagbabago (HNP) regional party.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahan niya si Romualdez kapag magdesisyon itong tumakbo bilang bise presidente.