-- Advertisements --

Muling iginiit ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalago ang ekonomiya ng bansa kapat naipasa na at naimplementa na ang economic Charter Change (CHA-Cha).

Sinabi nito na kahit na binabaan ng National Economic Development Authority (NEDA) ang growth range ng taon sa 6- 7 percent ay malalampasan ito dahil sa economic cha-cha.

Naniniwala ang mambabatas na mayroong magandang epekto sa ekonomiya ang nasaibng economic Cha-cha.

Magugunitang isinusulong ng mambabatas ang nasabing economic charter-change para umano sa kaunlaran ng bansa.