Nagbigay ng kaniyang huling paggalang si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa pinatay na dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe nuong July 8,2022 habang nagtatalumpati ito.
Bumisita kaninang umaga si Romualdez sa official residence ng Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko para magbigay ng paggalang dahil ang namatay na dating Prime Minister ay isang mabuting kaibigan ng mga Pilipino.
Personal na nagpa-abot ng kaniyang pakikiramay si Romualdez sa asawa ni Abe na si Mrs. Akie Abe; sa mga kamag-anak at sa Japanese government.
Binanggit din ni Romualdez ang pagmamahal, pakikiramay at kabaitan ni Abe sa mga Pilipino at ang kanyang malaking papel sa pagpapatibay ng alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Japan.
Si Abe ay 67-anyos ay binaril mula sa likuran habang nagtatalumpatu ito at binawian ng buhay sa ospital limang oras pagkatapos ng pamamaril.
Nauna rito, ipinagluksa ni Romualdez ang pagkamatay ni Abe, na nagsasabing “nawalan ng mabait at disenteng tao ang mundo na kilalang isang mahusay na pinuno at isang statesman.
Giit ni Romualdez, si Shinzo Abe ay isang mahal na kaibigan ng sambayanang Pilipino.
Nalulungkot ang mga Pilipino sa karumal-dumal na pag-atake na ito sa isang mapayapang tao.