-- Advertisements --
suarez
IMAGE | (L-R:) House Minority leader Danilo Suarez, AKO-Bicol Rep. Alfredo Garbin, Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves

Inamin ni House Minority leader Danilo Suarez na malaki ang tsansa ni Leyte Rep. Martin Romualdez na maluklok bilang House Speaker ng 18thCongress kung pagbabasehan ang track record nito bilang opisyal ng parehong pampubliko at pribadong sector.

Sa isang press conference nilinaw ni Suarez na qualified naman lahat ng nagnanais na pumalit kay Speaker Gloria Macapagal Arroyo, pero natatangi raw ang karanasan ni Romualdez para tugunan ang papel ng mababang kapulungan sa mga issue na hinaharap ngayon ng bansa.

“Well they are all qualified. Bebot (Pantaleon Alvarez), former speaker yan; si Alan Peter (Cayetano), cabinet secretary; Lord Velasco (Velasco), chairman ng Energy Committee magaling naman mag-precide. Pero pinaka-magaling si Martin (Romualdez). Pinaka-qualified,” ani Suarez.

Sa ngayon nasa higit 150 kongresista na raw ang nagpaabot ng suporta kay Romualdez sa pagtakbo nito bilang Speaker of the House.

Ito ay katumbas ng bilang ng boto na kailangan ng isang kongresista para maluklok bilang lider ng mababang kapulungan.

“Enough to win. 153 ang magic number, I think he has more than 150.”

“I think Cong. Romualdez has done his work. Nagpunta na siya sa pangulo, sinabi na niya yung support sa pagimplement ng kanyang mga measures, tapos hinighlight niya yung gusto niyang gawin as the leader of the House. At wala naman problema kay presidente, parang sinabi na proceed but he doesn’t say I’m going to endorse you. Kasi malalapit din sa pangulo yung ibang kandidato.”