Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na kanilang ipapasa ang tatlong natitirang tatlo sa 28 panukalang batas na tinukoy ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago magtapos ang 19th Congress sa susunod na taon.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos ang 5th LEDAC meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kaninang umaga sa Palasyo ng Malakanyang.
Nasa limang panukalang batas pa ang nadagdagan na kabilang sa listahan ng LEDAC mula sa 59 ngayon ay nasa 64 na ang priority measures.
Inihayag ni Speaker na karamihan sa mga panukalang batas ay nasa final stages na at aprubado na ng House of Representatives.
Ang bagong limang LEDAC measures ay ang mga sumusunod: 1. Amendments to the Foreign Investors’ Long-Term Lease Act , 2. Amendments to the Agrarian Reform Law (For Committee Deliberations), 3. Archipelagic Sea Lanes Act (3rd Reading), 4. Reforms to the Philippine Capital Markets (3rd reading), and 5. Amendments to the Rice Tarrification Law (RTL) (3rd reading).
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagpasa sa nasabing mga panukalang batas.