-- Advertisements --

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez, na manatiling pokus sa trabaho ang Kamara at hindi magpa-apekto sa anumang distraction dahil sila na nasa legislative branches ay nagsusumikap na magpasa ng mga makabuluhang panukalang batas para sa ikabubuti ng sambayanang Pilipino.

“We will not allow any distraction to derail our efforts at finding appropriate and timely solutions to the problems affecting the lives of our people,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Magugunita na patuloy ang patutsada ni Vice President Sara Duterte kay Speaker Romualdez at ang pinaka huli dito ay ayaw banggitin nito ang middle name ng Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Subalit nanatiling tikom si Romualdez at hindi pinapatulan ang isyu.

Ipinagmalaki naman ni Speaker, sa ilalim ng kaniyang liderato nasa 33 sa 42 na panukalang batas na kabilang sa priority measures ni Pres. Marcos at pinagtibay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Nasa kabuuang 9,600 panukala na binubuo ng 8,490 House bill; 1,109 na resolusyon at isang petisyon ang naproseso ng Kamara.

Sa kabilang dako, ikinalugod naman ni Romualdez ang pinakabagong forecast ng World Bank kung saan sinasabi na ang ekonomiya ng Pilipinas ay inaasahan pang lalago ngayong taon.

Naniniwala si Speaker na ang pagkakaisa ng Executive at Legislative branches ng pamahalaan ang siyang major contributing factor para mapalakas ang economic performance ng bansa.

Ayon sa World bank, ang gross domestic product ng Pilipinas ay asahan na lumago sa 6.0 per cent ngayong taon, mas mataas kumpara sa kanilang nagdaang forecast na nasa 5.4 per cent sa December at 5.6 per cent nuong buwan ng Abril.

“This upgraded forecast reinforces the positive trajectory of the Philippine economy and demonstrates that we are on the right track towards recovery and progress. It is a testament to the resilience of our people, the dynamism of our businesses, and the stability of our economic fundamentals,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Dagdag pa ng House Leader,” The comprehensive and inclusive economic agenda of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr., as well as the collaborative efforts between the Executive and Legislative branches, have proven fruitful in fostering an environment conducive to growth.”

Pinuri din nito ang collective efforts ng mga top economic managers ng bansa, mambabatas at lahat ng mga stakeholders na may kontribusyon sa maganda balita.

Sa kabilang dako, muling binigyan-diin ni Romualdez na ang House of Representatives ay mananatiling pokus sa pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas na layong mapalakas pa ang paglago ng ekonomiya ng bansa.