-- Advertisements --

Tiniyak ni Speaker Martin Romualdez sa mga foreign investors at multilateral lenders, na hindi titigil ang House of Representatives na magpasa ng mga panukalang batas na magsusustene sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Speaker bilang house leader kaniyang sisiguraduhin na ang mga mahahalagang panukalang batas na susuporta sa Marcos administration para mapaigting ang investment climate sa bansa na layong mapabuti ang antas ng buhay ng mga Pilipino.

Hinimok din ni Romualdez ang mga banyagang mamumuhunan na makiisa sa Pilipinas para makamit nito ang pag-unlad.

Itinuturing din ni Speaker na good news ang naging pahayag ni Standard Chartered Bank Global Head of Public Sector and Development Organizations Karby Leggett, World Bank Country Director for Philippines, Malaysia, Thailand, and Brunei Ndiamé Diop, at International Monetary Fund (IMF) Deputy Director, Asia, at Pacific Department Sanjaya Panth hinggil sa naging presentation ng mga top economic managers ng bansa kaugnay sa kasalukuyang estado ng ekonomoniya ng bansa sa kabilang ng mga hamon, kabilang ang Covid-19 pandemic at inflation.

“We are committed to passing more measures that the Marcos administration may need to further enhance investment in the Philippines aimed at improving the lives of Filipinos. I urge foreign investors to stay the course with us and share the benefits of progress and development,” pahayag ni Speaker Romualdez.

Ang isinagawang Philippine Economic Briefing sa Washington ay bahagi ng Marcos administration’s whole-of-government approach para maka akit ng mga foreign investors na mamumuhunan sa bansa na maglilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Tinukoy din ni Romualdez ang economic liberalization measures na inaprubahan ng Kamara kamakailan para maka akit ng mga foreign investors gaya ng inamyendahang Public Service Act, Foreign Investments Act, at Retail Trade Liberalization Act.

Sinabihan din ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga multilateral lender-funders at potential investors na ang government’s priorities at expenditures ay naka linya sa medium-term development plan at 8-point socio-economic agenda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.