-- Advertisements --

Binanderahan nina five-time winners Cristiano Ronaldo at Lionel Messi ang 10 kandidato para sa prestihiyosong FIFA best player award.

Kasama nina Ronaldo at Messi ang tatlong Liverpool players na sina Mohamed Salah, Virgil van Dijk at Sadio Mane.

Nominado rin para sa parangal sina Frenkie de Jong; Matthijs de Ligt; Eden Hazard; Harry Kane; at Kylian Mbappe.

Hindi naman nakapasok sa listahan si Luka Modric na siyang nagbulsa ng naturang award noong nakaraang taon matapos pamunuan ang Croatia sa World Cup final.

Samantala, paborito naman sa women’s award si United States forward Megan Rapinoe.

Katunggali ni Rapinoe ang teammates na sina Alex Morgan; Rose Lavelle; at Julie Ertz.

Sa men’s best coach award, nominado sina Liverpool coach Jürgen Klopp, Pep Guardiola ng Manchester City at Mauricio Pochettino ng Tottenham, habang si United States coach Jill Ellis naman sa women’s soccer.

Nakatakdang ianunsyo ang tatlong finalists sa bawat category – best male player, best female player, best coach sa men’s soccer at best coach sa women’s soccer – sa gaganaping seremonya sa Milan sa Setyembre 23.

Pagbobotohan ng mga national team coaches at captains, piling media at online fan voting ang mga mananalo.