CENTRAL MINDANAO- Nahuli ang isang suspek nang tangka nito tambangan ang ronda team ni Cotabato City Mayor Attorney Cynthia Guiani Sayani.
Nakilala ang suspek na si Rafael Singh Umal,18 anyos habang nakatakas naman ang kasama nitong kapatid na si Abdul Hak Umal alyas Ak-ak,mga residente ng Purok Maharlika Barangay Poblacion 4 Cotabato City.
Tinangka umanong paputukan ng mga suspek ang mga nagrorondang pulis at LGU kasama si Mayor Guiani Sayadi sa bahagi ng Doña Pilar Street, Barangay Poblacion 4 ng lungsod.
Mabuti na lamang at agad nakita ang mga suspek na sangkot din sa mga insidente ng panunutok ng baril kaya agad silang sinita ng ronda team.
Nahuli si Umal ang narekober sa kanyang posisyon ang isang .38 revolver at mga bala habang nakatakbo ang kanyang kasamahan.
Ang Alkalde mismo ang nangunguna sa pagroronda sa lungsod ng Cotabato kasama ang pulisya at militar.
Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa Costudial Facility ng Cotabato City PNP at nakatakdang sampahan ng kaso.
Bukod dito, narekober din sa possession ni Rafael ang isang bala ng caliber 45 pistol at isang case ng fired cartridges ng caliber 45 pistol na ngayon ay nasa kostudiya na ng mga otoridad.