-- Advertisements --
Pumirma ng one-year exclusive contract sa TNT Tropang Giga si Rondae Hollis-Jefferson.
Dahil dito ay tiyak na makakasama siya ng koponan sa Governors’ Cup at Commissioners’ Cup championships Season 50 ng PBA.
Kinumpirma ni team manager Jojo Lastimosa ang pagpirma ng 29-anyos na si Hollis-Jefferson.
Isinagawa ang pagpirma nito matapos na magkampeon sila sa nagdaang conference laban sa Barangay Ginebra.
Kasama sa kontrata ang hindi paglalaro niya sa ibang mga liga para makapagpahinga siya.