-- Advertisements --

Nabiktima ng scammers ang singerna si Ronnie Liang.

Sianbi nito na na mayroong nag-mensahe sa kaniya sa kaniyang Twitter at nagpanggap bilang representative umano ng Gcah.

Tinanong nito ang kaniyang Personal Identification Number at mga personal na impormasyon gaya ng birthday, e-mail address at iba pa.

Hindi naman nito binanggit kung magkano ang halagang nakuha sa kaniya at nagtira lamang ng P8.97 sa kaniyang Gcash account.

Binalaan nito ang kaniyang mga fans na maging maingat sa sinumang kumakausap sa kanila sa social media.