Ginulat ng Brooklyn Nets ang karibal na New York Knicks nang masilat sa score na 111-106.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Nets (31-27) mula ng mawala si James Harden at lumipat sa Philadelphia Sixers.
Ang come-from-behind win ng Nets ay nang mahabol nila ang 28 point deficit at iposte ang matinding comeback sa kasaysayan ng prangkisa.
Nanguna sa opensa ng Nets ang rookie na si Cam Thomas na nagbuhos ng 16 points sa fourth quarter mula sa kabuuang 21 points.
Ito sa kabila na wala ang mga superstars ng team tulad nina Kyrie Irving na bawal pa rin sa home games dahil sa hindi pa rin ito bakunado, habang nagpapagaling pa sa injury si Kevin Durant at ang bago nilang teammate na si Ben Simmons ay nagpapakondisyon pa.
Ang bagong lipat na si Seth Curry ay nag-ambag ng 20 points samantalang ang big man na si Andre Drummond ay nagoakita ng 11 points at umagaw ng 19 na rebounds, na siyang pinakamarami sa isang Nets player ngayong season.
Labis naman ang pagkadismaya ng Knicks (25-34) dahil sa nasayang nilang laro na nauwi sa wala.
Lalo na si Julius Randle na kumayod ng 31 points at 10 rebounds pero sa huli kanilang natikman ang ika 34 na talo.