-- Advertisements --

Naibenta sa isang auction ang pirmadong WNBA draft rookie card ni Caitlin Clark sa halagang $84,000.

Makikita sa Panini instant one-of-one card ang No.1 draft pick na hawak nito ang Indiana Fever jersey sa stage ng Brooklyn Academy of Music sa New York.

Ang nasabing larawan ay makikita kung saan ito ay unang napili.

Ang auction CC card ay mayroong 79 bid at naibenta ito sa huli na $84,000.

Itinuturing na ito ang pinakamahal na women’s sports card sa kasayayan.