Sasailalim sa isang knee surgery ang rookie NBA star at 20-taong gulang na si Jared McCain ng Philadelphia 76ers matapos magtamo ng lateral meniscus — isang malambot na fibrocartilaginous na matatagpuan sa pagitan ng femur (buto ng hita) na siyang nagbibigay balanse ng tuhod. Ang pinsala sa kanyang kaliwang tuhod na kailangan ng operasyon ay magdudulot sa kanya ng hindi tiyak na pagkawala sa koponan.
Si McCain, ay naging pangunahing scorer ng mga rookies sa season na ito, na may average na 15.3 puntos kada laro sa unang 23 laro ng season. Malaking kawalan siya para sa koponan, lalo na’t may mga ibang key players din na may mga injury, tulad nina Joel Embiid, Tyrese Maxey, at Paul George.
Bukod sa pinsala ni McCain, nakaranas din ng sinus fracture si Embiid, at ang mga injury na ito ay nagiging dahilan ng paghina ng koponan, na may 7-16 na rekord. Ang mga pinsala sa mga pangunahing manlalaro ay naging hadlang sa koponan na maglaro nang buo bilang o tinatawag na isang “Big Three,” kaya’t nahirapan ang koponan sa kanilang mga laro.
Magiging isang mahirap na panahon ito para sa Sixers, lalo na’t wala na si McCain sa laro.
Sa kabila ng lahat ng mga pagsubok, ipinakita ni McCain ang kanyang potensyal sa pamamagitan ng mga magagandang laro, kabilang ang kanyang career-high na 34 puntos laban sa Cleveland. Umaasa ang mga tagasuporta na makabawi siya ng buo at magpatuloy sa kanyang pag-unlad pagbalik niya sa court.