-- Advertisements --

Kinumpirma na ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago na may ilang kaso na silang naisampa laban sa vlogger na si Claire Contreras o kilala bilang si “Maharlika” at si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Pinangunahan ng NBI Cybercrime Division ang pagsampa ng kaso dahil sa pagpapakalat ng dalawa ng “polvoronic” video umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang video kasi ay naipost sa social media ni Contreras at ito ay kumalat.

Noong Marso 13, 2025 ay inamin ni Maharlika na siya ang nasa likod ng pagpapakalat ng video.

Habang si Roque sa ginawa nitong video stream ay hinikayat nito ang publiko labanan ang gobyerno.

Nahaharap ngayon si Maharlika ng mga kasong Unlawful Use of Means of Publication and Unlawful Utterances, Inciting to Sedition, Cyber Libel, at Computer-Related Forgery habang si Roque ay nahaharap sa kasong sedition.