Naghain na ng reklamo ang Presidential Anti-Organized Crime Commission at PNP-CIDG laban sa mga personalidad na sangkot sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Kabilang sa mga sinampahan ng reklamong qualified human trafficking ay sina dating presidential spox. Atty. Harry Roque, Lucky South 99 representative Cassandra Ong at iba pang respondents.
Kung maaalala, si Roque ay nadawit sa ilegal na operasyon ng POGO partikular na sa Lucky South 99 bagay na itinanggi ng dating opisyal.
Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad si Roque matapos na ipa-cite in contempt ng House Quad Committee.
Nabigo kase ito na isumite ang kinakailangang dokumento sa pagdinig ng komite upang maipaliwanag ang umano’y biglang yaman nito.
Itinanggi naman ni Roque na siya ay pugante dahil wala naman itong kaso na kinakaharap sa korte.
Naniniwala ito ng pinupulitika lamang siya maging ang pamilya Duterte.