-- Advertisements --

Handa umanong panagutin ni presidential spokesperson Harry Roque ang indibidwal na nagpakalat ng kaniyang video habang pinapagalitan ang grupo ng mga doctor.

Sinabi nito na may isa sa pananagutan ng naglabas ng video ay ang paglabas ng public secrets.

Posible rin aniyang lumabag daw ito sa ilalim ng Data Privacy Act o Anti-Wire Tapping Law.

Ipapaubaya na lamang niya sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang nasabing pagsampa ng kaso sa naglabas ng video.

Magugunitang umani ng batikos ang video na kumalat kung saan pinagalitan ni Roque ang grupo ng mga doktor na humihiling sa gobyerno na kung maaari ay higpitan ang quarantine classification ng bansa dahil sa patuloy na napupuno ang mga pagamutan.

Una na ring nag-sorry si Roque sa kanyang mga nasaktan.