-- Advertisements --
Hinikayat ni Presidential spokesperson Harry Roque ang Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na makipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force on COVID-19 para mabago ang ipinapatupad na social distancing guidelines.
Kasunod ito ng hindi pag-sang-ayon ng ilang simbahan na limitado lamang sa 10 katao ang dadalo ng mga misa sa ilalim ng general community quarantine at lima lamang sa modified enhanced community quarantine.
Dagdag pa ni Roque na magkakaroon ng adjustment kung pormal ng makipag-ugnayan ang CBCP sa IATF.
Magugunitang tinawag na “impractical” ni Bishop Broderick Pabillo, ang administrator ng Archdiocese of Manila, ang pasya ng IATF na limitado lamang ang dadalo sa misa.