-- Advertisements --

Nanawagan si dating presidential spokesman Atty. Harry Roque kay VP Sara Duterte na sumailalim sa hair follicle test.

Ang hair follicle test ay isang pamamaraan upang matukoy kung ang isang tao ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o substance.

Ayon kay Roque, sa pamamaraang ito ay maipapakita kung sino ang tunay na leader na deserve ng bawat mamamayang Pilipino.

Mas mainam rin aniya na pangunahan na ito ng bise.

Hinikayat rin ng dating opisyal ang kapatid ni Sara na si Mayor Baste at Cong. Pulong Duterte na sumailalim sa parehong pagsusuri.