-- Advertisements --

Inakusahan ni Atty. Harry Roque ang mga mambabatas na namemersonal sa ginagawa nilang pag-iimbestiga sa kaniya.

Sinabi ng dating Presidential Spokesperson na mayroong ibang agenda ang ibang mga mambabatas lalo na at ito ay konektado noon sa dating administrasyon.

Naninwala ito na pinaghihinalaan siya ng mga mambabatas na nagpapakalat ng mga paninirang video laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pagtitiyak naman nito na handa niyang harapin ang anumang kaso na maaring isampa laban sa kaniya.