-- Advertisements --

Kinondina ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang kasong human trafficking na isinampa laban sa kaniya.

Sinabi nito na ang pinuwersa lamang at inimbento ang nasabing mga kaso ng Presidential Anti Organized Crime Commission (Paocc) at Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Itinuturing kasi ng mga otoridad na si Roque may kaugnayan ito kay Cassandra Li Ong.

Paliwanag naman ni Roque na malinaw na noong una ay hindi siya kasamang kinasuhan ng PAOCC laban kay Ong at 53 iba pa.

Malinaw aniya na wala silang ebidensiya na iniuugnay siya sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at nag-imbento lamang sila ng kaso para maisama siya.

Pagtitiyak naman ni Roque na handa nitong harapin sa korte ang kasong isinampa laban sa kaniya.