-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang alegasyon na tumayo siyang abogado ng ni-raid Luck South 99 na isang Philippine offshore gaming operator (POGO).

Sinabi nito na humingi lamang siya ng rescheduling ng pagbabayad ng renta at principal ng kaniyang kliyente na Whirlwind Corporation.

Paglilinaw pa nito na ang kaniyang kliyente ay service provider ng Lucky South na may hawak na lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Kasagutan ito ni Roque sa naging alegasyon ni PAGCOR chief Alejandro Tengco noong dumalo siya sa Senate panel on women’s hearing kung saan nakaladkad ang pangalan na siyang nag-aabogado umano sa mga POGO.