-- Advertisements --

Hinamon ni dating presidential spokesperson Harry Roque si Senator Imee Marcos na ilantad ang katotohan na gumagamit ng iligal na droga ang kapatid nitong si pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Roque , na dapat patunayan nito ang katapatan noong inindorso siya ni Vice President Sara Duterte at ilahad ang katotohanan.

Hindi naniniwala si Roque na walang alam ang senadora sa mga iligal na paggamit na droga ng pangulo.

Magugunitang naglabas si Roque ng ‘polvoronic’ video kung saan makikitang gumagamit umano ang pangulo ng iligal na droga.