Nabigo si presidential spokesman Harry Roque na maupo sa International Law Commission (ILC).
Ito ay matapos na kontrahin ng kapwa niyang mga abogado mula sa iba’t ibang mga bansa.
Sa ginanap na botohan na nagtapos nitong madaling araw ng Nobyembre 13, mayroong 87 sa kabuuang 190 United Nations member-states ang pumabor sa nominasyon ni Roque.
Nanguna kasi ang India, Thailand at Japan na mayroong tig-150 boto habang ang Vietnam, China, South Korea, Cyprus at Mongolia ay tiyak na ang kanilang upuan sa ILC.
Si Roque na kilalang dating human rights lawyer, ang may pinakamababang boto na nakuha sa 11 bansa na naghahangad na maging bahagi ng 8-seat Asia-Pacific bloc.
Bukod sa Pilipinas ay nabigo ring makakuha ng puwesto ang mga representative ng Lebanon at Sri Lanka.
Ilang araw bago kasi ang botohan ay sumulat ang nasa 150 na abogado mula sa bansa sa UN member-states na komokontra sa ILC bid nito.
Ilan sa mga rason nila ay ang pagtanggol umano kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya nito sa iligal na droga at mahinang pagtugon sa pandemya.
Kung maalala ilang beses na ring nagtungo ng New York si Roque upang mangampanya at nitong huling biyahe niya ay naging sentro pa siya ng kilos protesta ng ilang militanteng grupo sa isang mamahaling restaurant sa Manhatann.
Sa kabila nang pagkatalo nagpasalamat pa rin si Sec. Roque kay Pangulong Duterte at sa mga ahensiya ng gobyerno na tumulong sa kanya sa pagkampanya.
“My candidature at the ILC was a challenging campaign throughout but we met it head on. Unfortunately, we did not succed,” ani Sec. Ruque sa statement.