-- Advertisements --

Nanindigan ngayon si dating presidential spokesman Harry Roque na hindi ito babalik sa Pilipinas hanggang walang utos na ilalabas ng Korte Suprema.

Iginiit nito na wala naman ito ng anumang hold departure order o kaso kaya may karapatan itong bumiyahe.

Kung hindi makapagpalabas ang Korte Suprema ng kautusan ay hihintayin na lamang niyang matapos ang termino ng mga kongresista.

Magugunitang nagsumite si Roque ng notarized counter-affidavit mula sa Abu Dhabi dahil sa kaso nitong qualified human trafficking na isinampa sa kaniya na may kaugnayan ng operasyon ng Philippine Offshore Gaming operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Naghahanda na rin ang Bureau of Immigration ng kaso laban kay Roque matapos umano na nameke ito ng mga dokumento para makalabas sa bansa.