Nilinaw ni dating presidential spokesperson na wala pa itong natatanggap na Warrant of Arrest mula kongreso.
Sa kaniyang social media account ay sinabi niya na mula nitong gabi ng Biyernes hanggang sa umaga ng Sabado ay wala pang natatanggap ang kaniyang opisina na warrant of arrest.
Taliwas ito sa naging pahayag ni House Secretary General Reginald Velasco na hindi umano tinanggap ng staff ni Roque ang arrest order.
Una kasi sinabi ni Velasco na isinilbi ng House sergeant at arms ang arrest order sa law office ni Roque sa Makati City subalit hindi umano nila ito tinanggap.
Nakaantabay din ang mga kasapi ng National Capital Region Police Office para sa implementasyon ng warrant.
Iniimbestigahan si Roque ng Kamara dahil umano sa koneksyon nito sa operasyon ng POGO sa bansa.