-- Advertisements --

Ibinulalas ni dating Presidential spokesperson Harry Roque ang dahilan kung bakit umano siya ‘pinupuruhan’ ng Kongreso.

Sa unang parte ng video na ibinahagi ni Roque na tinawag niyang spox hour, sinabi niyang pinaghihinalaan umano siya ni House Speaker Martin Romualdez na nagpakalat ng ‘polvoronic video’ na inilabas ng vlogger na si Maharlika.

Tinutukoy ni Roque ang viral video kung saan gumagamit umano si Pangulong BongBong Marcos ng illegal drug.

Subalit saad naman ni Roque na ang tanging may access lang sa naturang video ay ang nakakalapit sa pangulo.