Tinawag na isang ‘political harassment’ ni dating presidential spokesperson Harry Roque ang pagkakakulong niya ng 24 na oras sa House of Representatives.
Inimbestigahan kasi ng mga mambabatas si Roque ukol sa ugnayan nito sa POGO Hub sa Pampanga.
Sinabi nito na malinaw na pamumulitika ang nasabing ginawa ng mga mambabatas dahil sa lumiban lamang ito ng pagdinig ay ikukulong ka na agad.
Paglilinaw nito na wala itong balak na bastusin ang mga mambabatas dahil sa nakadalo ito ng tatlong beses sa apat na imbitasyon nila.
Magugunitang ikinulong si Roque sa kamara dahil umamon sa pagsisinungaling nito sa mga isinagawang pagdinig.
Hindi rin nakaligtas kay Roque na batikusin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung saan sinabi niya na mas dumami ang naghihirap ngayon dahil sa mga mahal na bilihin at ganun din ang pagdami ng mga nasusupil na karapatan ng isang tao.