Kinumpirma ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na hindi na isasapubliko ng gobyerno ang naka iskedyul na rotation and resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Teodoro na nagpasya ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ang gagawing routine RORE mission sa Ayungin Shoal.
Paliwanag ni Teodoro, napagdesisyunan ito ng Pangulong Marcos matapos personal na makausap ang mga sundalo ng western command particular ang mga nagsagawa ng rore mission nuong June 17 na personal na nakaranas ng agresibong aksiyon ng China.
Ayon kay Teodoro, batay sa mas malalim nilang pag aaral at pagtaya, nakita aniya ng pamahalaan na hindi aksidente at misunderstanding lamang ang nangyari kundi sadyang agresibo at iligal na paggamit ng pwersa ang ginawa ng mga tauhan ng Chinese coast guard.
Inihayag ni Teodoro na ang pahayag ng National Maritime Council nuong Biyernes ay assessment lamang.
Sinabi pa ni Teodoro na naninindigan ang pangulo na patuloy na hahanap ang pamahalaan ng mapayapang solusyon sa usapin ng west Philippine Sea (WPS).