-- Advertisements --

Nakumpleto nang walang untoward incident ang isinagawang regular rotation at reprovisioning ng mga suplay para sa mga tropa ng Pilipinas na naka-istasyon sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal sa West Philippine Sea kahapon, Huwebes, Nobiyembre 14.

Ito ang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa isang statement ngayong araw.

Katuwang ng AFP ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang panibagong resupply mission.

Nangako naman ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na ipagpapatuloy nito ang pag-uphold sa mandato nito na pangalagaan ang soberaniya ng ating bansa at tiyakin ang kapakanan ng mga naka-istasyong personnel sa WPS.