Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatuloy ang kanilang regular na rotation and resupply (RORE) missions sa mga military outpost nito sa West Philippine Sea sa kabila ng harassment ng China.
Pinunto ni AFP Chief-of-Staff Romeo Brawner Jr., na responsibilidad nilang magbigay ng mga pangangailangan sa mga tropang Pilipino na nakatalaga sa iba’t ibang bahagi ng WPS, tulad ng Ayungin Shoal at Pag-asa Island.
Ito ang pinakahuling pahayag ng AFP makalipas ang mahigit isang linggo mula nang makasagupa ang mga tauhan ng Chinese at tropang Pilipino sa Ayungin Shoal, na naging sanhi ng pagkawala ng hinlalaki ng isang Philippine Navy personnel.
Nanindigan din ang AFP na ang Pilipinas ay may karapatang magsagawa ng mga misyon sa teritoryo nito sa WPS.