-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Nasa ligtas na kalagayan na sa ngayon ang mga pasahero ng isang sasakyan pandagat ng Roble shipping lines matapos masunog sa bahagi ng Baybay City sa Leyte.
Ayon sa inisyal na report ng Philippine Coast Guard Eastern Visayas, walang naitalang casualties at agad na rumesponde ang mga otoridad nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay naideklara nang fire out ang nangyaring sunog at patuloy ang ginagawang imbestigasyon kung ano ang naging sanhi nito.
Mapapag-alaman na biyahe sana papuntang Cebu ang nasabing roro vessel nang mangyari ang sunog.