-- Advertisements --

Nakatakdang magalabas ng solo album si Blackpink star Rosé.

Ang nasabing album na siyang inaabangan ng kaniyang fans bilang solo artist ay ilalabas sa buwan ng Disyembre.

Sa social media account nito ay masayang ibinalita ng 27-anyos na singer o Roseanne Park sa tunay na buhay ang paglabas ng kaniyang record na “Rosei” sa Disyembre 6.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala na mailalabas na niya ang kaniyang bagong album.

Taong 2016 ng maging bahagi si Rosie sa Blackpink at noong 2021 ay naglabas siya ng sariling album na “R”.

Magugunitang naglabas na rin ng solo album ang mga miyembro ng Blackpink na sina Jennie at Lisa.