Pormal nang binawi ng social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin ang kaniyang kandidatura.
Nabatid na si Rosmar ay una nang naghain ng certificate of candidacy (COC) noong Oktubre 1, 2024 para sa pagtakbong konsehal sa unang distrito ng Maynila.
Personal itong nagtungo sa Comelec Law Department sa headquarters ng poll body sa Intramuros, Manila.
Una rito, marami ang nagtanong kay Rosmar kung tutuloy pa siya sa kandidatura, lalo’t abala siya sa mga content na ginagawa.
Maaari ding pagbawalan itong lumabas sa media at social media kapag sumapit na ang campaign period, partikular na kung naabot na ang airtime limit.
“Para sa ikatatamihik ng lahat mag wiwithdraw na po ako sa pagtakbo pero tuloy pa rin ang pagtulong sa mga tao,” wika ni Rosmar sa kaniyang account.