Nakumpleto na ng United City Football Club ang kanilang manlalaro.
Ito ay matapos ang ginawang pagpirma ng kontrata ni Filipino-Swiss player Anthony Pinthus.
Kabilang kasi ang 22-anyos na goalkeeper sa Azkals Development Team (ADT) at nakapaglaro na rin ito sa Philippine Under-23 team sa 30th Southeast Asian Games noong nakaraang taon.
Sinabi ni United City FC co-founder Eric Gottschalk na layon ng koponan na i-develop ang mga batang manlalaro na suportado naman ni Philippine national head coach Scott Cooper.
Tinawag pa nitong si Pinthus na magaling na goal keeper ng kanilang koponan.
Dahil sa pagpirma ay makakasama na nito ang mga manalalaro ng koponan gaya nina Jose Miguel Clarino, Stephan Shrock, OJ Porteria, Sean Patrick Kane, Ron Bayan, Jun Badelic, Angelo Marasigan, Robert Mendy, Arnie Pasinabo, Tristan Robles, Dennis Villanueva, Joshua Dutosme, Takashi Odawara, Hikaru Minegishi, Bienvenido Maranon, Mike Ott, Manuel Ott, Pocholo Bugas, Jordan Jarvis at Jorrel Aristorenas.
Karamihang mga manlalaro ng dating Ceres Negros FC ay hindi pinakawalan ng United City FC noong kanila na itong pinamunuan.